Linggo, Marso 16, 2008

Araling Panlipunan

Ang ARALING PANLIPUNAN ay isang asignatura kung saan pinag-aaralan ang mga bagay-bagay at pangyayari sa loob ng Republika ng Pilipinas. Ang asignaturang ito ay kahintulad din ng HEKASI na ang ibig sabihin ay Heograpiya, Kasaysayan at Sibika. Ang ARALING PANLIPUNAN ay isa sa mga pinakamahirap intindihin ngunit ito ang pinakamahalaga sa lahat sapagkat ang kaalaman sa Pilipinas ay kinakailangan. Dito rin malalaman ang mga katotohanan tungkol sa ating bansa. Sana ay maraming bagay ang matutunan ninyo sa pag-aaral ng ARALING PANLIPUNAN. Sana ay huwag niniyo kakalimutan ang lahat tungkol sa ating pinaglakihang bansa. MABUHAY ANG PILIPINAS!

-JOP SERRANO-Administrator

Sabado, Marso 1, 2008

Pilipinas, Isang Malayang Bansa

Marso 1, 2008

Sa panahon ngayon, ang ating bansa ay itinuturing isang malayang bansa. Ito ay sapagkat noong Hunyo 12, 1898, idineklara ni Pangulong Emilio Aguinaldo ang kasarinlan ng Pilipinas at iwinagayway niya ang pambansang watawat. Makalipas ang 110 na taon, isa pa rin tayong malayang estado at walang kaaway. Ngunit sa kabila nito, may mga pangyayari na puwedeng sumira sa reputasyon ng Pilipinas sa ibang bansa tulad ng ZTE NBN Scandal at Hello Garci. Sana ay kahit ngayon ay ipaglaban pa rin natin ang bansa sapagkat maraming mamamayang Pilipino ang nagbuwis ng kanilang buhay upang mabigyan ng kasarinlan ang ating bansa. Sa nakikita ko ngayon, para bang pamumulitika lamang ang ginagawa ng mga pinuno ng gobyerno at kinakalimutan na ang pagpapaunlad sa bansa. May kaguluhan sa Senado at Mababang Kapulungan. Puro imbestigasyon na lang ang ginagawa sa lahat ng sangay ng pamahalaan. Sana ay itigil na ang mga ito at ipokus na lamang ang atensyon sa pagpapagawa ng mga imprastraktura, tulong sa mga mahihirap, mga programa at proyekto at marami pang iba tungo sa ikauunlad ng Pilipinas. Sana ay pagtuunan din nila ang nangyayaring krisis sa bansa at tapusin ito. Sana ay tuluyan nang umunlad ang Republika ng Pilipinas bago bumaba sa puwesto si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa 2010. Sana ay magtuloy-tuloy na ang pagunlad ng Pilipinas sa lahat ng aspeto sa buhay. MABUHAY ANG PILIPINAS!

+AMDG Ad Majorem Dei Gloriam
Para sa ikabubuti ng Panginoong Diyos!

-ISAAC JEOFFREY J. SERRANO